Site icon PH UPDATE

Disaster relief program ng SM Group, muling ikinasa

97D3460C-B8E0-44FC-88B1-218AB208CCA7

Naghatid ng agarang tulong ang SM Group sa pamamagitan ng programang Operation Tulong Express (OPTE).

Pinangunahan ng SM Supermalls, SM Markets, at ang kanilang social good arm na SM Foundation ang pag kasa ng programa sa iba’t ibang lugar na tinamaan ng kalamidad nitong mga nagdaang buwan.

Operation Tulong Express sa Puerto Princesa, Palawan.

Namahagi ang SM Center Angono ng 61 Kalinga Packs sa mga biktima ng sunog sa Kalayaan Angono, Rizal noong simula ng taon, habang ang SM City Puerto Princesa ay nagbigay ng mahigit 230 Kalinga Packs sa mga biktima ng sunog sa lungsod noong Pebrero 7. Gayundin, naglaan ang SM City Sta. Mesa ng 250 Kalinga Packs sa mga biktima ng sunog sa Brgy. 598, Lungsod ng Maynila, noong Pebrero 21. Nagpaabot din ng tulong ang SM City Sucat sa mahigit 230 residente ngBrgy. San Isidro, Parañaque, matapos ang naganap na sunog sa nasabing lugar noong Pebrero 28.

Nakatanggap ang isang residente sa evacuation center sa Davao ng Kalinga Pack.

Nagabot ng drinking water at Kalinga Packs ang SM Group sa mga nasalanta ng sunog sa Pampanga.

Nakiisa ang ilang miyembro ng Philippine Navy sa paghahatid ng Kalinga Packs sa mga nasunugan sa Puerto Princesa City, Palawan.

Sa kabila ng malalang baha sa hDavao Region, namahagi ang SM Supermalls ng mahigit 3,000 Kalinga Packs sa mga komunidad na naapektohan ng baha sa rehiyon,

Nito lamang Marso 3, nagbigay rin ang SM Group ng Kalinga Packs sa mga biktima ng sunog sa Brgy. Pandan, Lungsod ng Angeles, Pampanga.

Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na tinataguyod ng SM Foundation ang kanilang pangako na maging katuwang sa pag-unlad ng bansa, sa pamamagitanng serbisyo publiko lalo na sa panahon ng krisis.

Exit mobile version